CAUAYAN CITY- Inaasahan na sa huling quarter ng 2024 hanggang sa unang quarter pa ng susunod na taon mararanasan ang epekto ng La Niña sa bansa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Chief Meteorologist Ramil Tuppil ng DOST Pagasa, sinabi niya na ngayong buwan ng Agosto ay nasa 70% pa lamang ang probability ng La Niña at posibleng pagsapit ng Setyembre at Oktubre pa mararamdaman ang pagsisimula nito.
Batay sa kanilang forecast ay weak to moderate lang naman ang maaaring maging epekto nito sa bansa ngunit asahan ang beyond normal na mga pag-ulan.
Nilinaw naman niya na ang mga pag-ulang nararanasan sa ilang bahagi ng bansa ay dulot ng Localized Thunderstorm.
May ilang lugar naman ang nakararanas ng Severe Thunderstorm dahil sa Cumulonimbus Cloud na nabubo dahil sa mga water vapor na nagdudulot ng pagkulog at pagkidlat.
Dahil dito ay marami ng mga pananim ang naaapektuhan sa batay na rin sa kanilang natatanggap na mga ulat.
Nagsawa naman sila ng La Niña Forum na pinaguluhan ng Pagasa Regional Services Division na sumasakop sa Region 2, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region at Aurora Province.
Tinalakay rito ang posibleng maging epekto ng La Niña kung saan patuloy naman ang ginagawa nilang update sa mga Municipal Agriculturist at MDRRMO hinggil sa lagay ng panahon.