--Ads--

CAUAYAN CITY- Naglabas ng abiso ang Isabela Electric Cooperative (ISELCO) 1 kaugnay sa pagtaas ng singil sa kuryente na epektibo ngayong Buwan ng Agosto.

Tataas ng 34 centavos kada kilowatt hour ang mga residential at low voltage consumer.

Ang naturang pagtaas sa singil ay bunsod sa pagtaas ng generation rate at iba pang charges dahil sa pagnipis sa suplay ng kuryente.

Kaugnay nito ay dumadaing naman ang ilang mga member consumer ng Iselco 1 matapos magtaas ng singil ang naturang kooperatiba.

--Ads--

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Melba Villanuva, member consumer, sinabi niya  na  huwag naman sanang isabay ang pagtaas sa singil ng kuryente sa pagtaas sa presyo ng mga bilihin.

Aniya, napapadalas na ang pagtaas sa singil kaya naman lumolobo rin ang kanilang mga gastos sa bayarin.

Pinaka-apektado naman aniya ang mga kagaya niyang mga negosyante dahil hindi maiiwsan ang paggamit sa mga ilaw at appliances.