--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang pagtaas ng presyo ng bigas sa ilang pamilihan sa lungsod ng Cauayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Jimboy Papa, Tindera ng bigas, sinabi niya na  tumaas ng 200 pesos ang presyo ng bigas kada sako.

Sa ngayon ang pinaka-murang bigas ay nagkakahalaga ng 48 pesos na kada kilo habang 65 pesos naman ang pinaka-mahal na uri ng bigas.

Ang presyo kada sako ng pinakamurang bigas ay nasa 850 pesos kada 25 kilos ngunit karaniwan aniyang ipinapakain lamang ito sa mga aso habang ang well milled na bigas ay naglalaro sa 1,225 pesos hanggang 1,450 pesos.

--Ads--

Noong nakaraang buwan aniya ay bahagyang bahagyang tumaas din ang nito.

Sa ngayon ay nagbebenta pa rin sila ng well milled rice ngunit bihira na lamang ang bumibili dahil iilan lang ang nakakabili sa mahal ng presyo.

Aminado siya na maraming konsyumer ang nagrereklamo kaya minabuti nalamang nila na huwag ng taasan ang retail price.

Wala naman aniya silang magawa dahil negosyante lamang din sila at hindi nila kontrolado ang paggalaw sa presyo ng bigas.

Aniya, Posible pang tumaas ang presyo sa mga susunod na buwan.