CAUAYAN CITY- Ipag-uutos na ng City Economic Enterprise sa CENDO na mga ikot at imonitor ang reklamong may mga dumadayong ambulant vendors sa labas ng City Private Market.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Sanguninang panlunsod Member at Chairman ng City Economic Enterprise Ismael Atienza, sinabi niya na bukas silang idulog sa Tanggapan ng Primark Cauayan at sa opisina ni CENDO Manager Edwin Asis ang ilang reklmao ng mga Vegetable Vendors sa Private Market kaugnay sa mga ambulant vendors na nagtitinda sa labas ng pamilihan na mula sa ibang bayan.
Aniya sa katunayan ay una ng napagkasunduan ng Vegetable Vendors at ng kanilang tanggapan na bigyan ng pagkakataong kumita ang backyard gardeners o kung tawagin ay Bario Gulay para makapagbenta sa labas ng Pribadong pamilihan.
Ang mga Bario Gulay vendors ay binibigyan ng isang oras sa pagtitinda mula alas-singko hanggang alas-sais ng umaga lamang.
Kung matatandaan ay makailang ulit na rin itong inireklamo ng mga vegetable vendors sa Primark kaya bilang paunang hakbang ay inilayo ang mga Bario Gulay vendors sa premises o paligid ngpmilihan subalit muli silang ibinalik sa lugar bilang konsiderasyon ng Pamahalaang Lunsod.
Una narin nilang pinaalis noon ang mga damadayong ambulant vendors sa paligid ng Primark subalit dahil sa reklamo ay magsasagawa sila ng mahigpit na monitoring para matiyak na tanging mga Bario Gulay mula sa Lunsod ng Cauayan ang pinahihintulutan na makapag benta sa lugar.