CAUAYAN CITY- Ilulunsad sa ika-pito ng Setyembre ang 29 pesos kada kilo ng bigas sa Kadiwa Store ng National Irrigation Administration -Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS).
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Gileu Michael Dimoloy, Department Manager ng NIA MARIIS, sinabi niya na ito ay limitado lang muna sa mga Senior Citizens, Persons with Disability at mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s.
Aniya, aabot sa 30,000 kilos ng bigas ang iitinda sa Kadiwa, katumbas ito ng 3,000 bags ng tigsasampung kilo ng bigas.
Nilinaw naman niya na limitado lamang sa sampung kilo kada tao ang pwedeng bilhin para marami ang makinabang sa murang bigas.
Ang mga ititindang bigas sa Kadiwa ay mula sa mga contranct farmers ng NIA kung saan binibigyan nila ang mga ito ng 50,000 subsidy para sa pambili ng binhi, fertilizers at labor.
Pagkatapos ng anihan ay bibilhin naman nila ang 5,000 tons na ani ng mga magsasaka kapalit ang karagdagang 50,000 pesos.
Maliban sa bigas ay magtitinda rin sila ng mga locally produced na gulay na mas mababa ang presyo sa Merkado.
Sa ngayon ay pinag-aaralan pa nila kung saan ang magiging venue ng Kadiwa Store.