--Ads--

Siniguro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi hihinto sa pagpapatupad ng kanilang misyon sa West Philippine Sea sa kabila ng patuloy na ginagawang panggigipit ng China sa exclusive economic zone ng Pilipinas.

Ito ay matapos na buntutan, binangga at binomba ng tubig ng mga barko ng China Coast Guard (CCG) ang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na BRP Datu Sanday sa West Philippines Sea.

Sa pahayag ni AFP Chief Gen Romeo Brawner, pagtitiyak nito na walang isusukong teritoryo ang bansa sa WPS alinsunod na din sa ibinigay na standing order si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon pa kay Brawner na mayroong posibilidad na magtayo muli ang China ng artificial island kung aalisin ang puwersa ng militar sa nasabing teritoryo ng bansa.

--Ads--

Kamakailan lang, dalawang barko ng Philippine Coast Guard ang binangga ng mga barko ng CCG, na nagresulta para mabutas ang isang barko ng Pilipinas