Wala umanong abuse of authority sa ginagawang pagsisilbi ng warrant of arrest ng kapulisan kay Kingdom of Jesus Christ Leader Pastor Apollo Quiboloy.
Ito ay matapos dumagsa ang nasa dalawang libong kapulisan sa KOJC Compound upang arestuhin ang naturang Pastor.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst at Constitutionalist, sinabi niya na ginagawa lamang ng mga Pulis ang kanilang trabaho kung saan pinaghandaan lamang nila ng maigi ang operasyon.
Giit nito na may karapatan ang mga awtoridad na halughugin ang buong compound dahil bahagi ito ng pagsisilbi ng warrant of arrest.
Dahil sa panghaharang ng mga tagasuporta ng Pastor sa mga Pulis ay kailangan talaga umano ng mga kapulisan ng malaking pwersa para magkaroon sila ng kontrol sa lugar.
Aniya, hindi dapat basta balewalain ng Gobyerno ang naturang usapin lalo na at mabibigat ang mga kasong kinakaharap ni Quiboloy partikular ang Human Trafficking at Sexual Abuse.
Nakakalungkot lang aniya dahil tila pinupolitika ng ilang mga Opisyal ng Gobyerno ang naturang isyu na mas lalo lang nakakapagpalala sa sitwasyon.