--Ads--

CAUAYAN CITY- Tumaas ng hanggang 84 percent ang naitatalang kaso ngayon ng dengue sa Region 2.

Nangunguna sa mga may pinakamataas na kaso ang Nueva Vizcaya na mayroong 2, 449 cases sinundan ng Cagayan na may  1,652  at Isabela na may 1,357 cases.

Dahil sa datos ay ikinunsudera  na ng DOH Region 2 ang outbreak dahil sa lumolobong kaso.

Sangayon ay nakapagtala na sila ng 6,448 na ang kaso ng dengue hanggang 19 na ang nasawi at pinakawamarami ang naitala sa Nueva Vizcaya na sinundan ng Isabela.

--Ads--

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Mar Wyn Bello ang Assistant Regional Director ng DOH Region 2 , sinabi niya na sa kabila ng mataas na kaso ay hindi parin ito dapat ikabahala ng publiko dahil manageabale parin naman ito at nanatiling sapat parin ang bed capacity sa lahat ng mga pagamutan.

Nakipag ugnayan narin ang DOH sa Rural Health Units para mapaigting ang mga programa kontra sakit na Dengue.

Namahagi din sila ng Dengue NS1 kit para sa early detection.

Tinitiyak din nila na handa ang kanilang mga pasilidada para sa blood transfussion lalo sa mga pasyenteng mangangailangan ng platelets.

Isa sa naging dahilan sa paglobo ng kaso ng dengue ay dahil sa tag-ulan lalo at madalas na pamahayan ng lamok ang mga stagnant waters kaya mas pinaigting na ng DOH ang 4S habang namamahagi na sila ng insecticide at nakaantabay na rin sa pagsasagawa ng fogging.