--Ads--

Pinawi ng Kagawaran ng Kalusugan o DOH Region 2 ang pangaba ng publiko dahil sa sakit na monkeypox o mpox.

sa kasalukuyan ay nakapagtala na ng dalawang local transmission ng monkeypox ang DOH sa National Capital Region, ito ay matapos na mahawaan ng sakit ang dalawang indibiduwal na walang travel history sa labas ng bansa.

Inihayag ni Dr. Mar Wyn Bello, Assistant Regional Director ng DOh Region 2 na walang dapat ikabahala ang publiko sa sakit na monkeypox dahil hindi naman ito lubhang nakamamatay.

Ang Monkeypox ay nahahawig sa chickenpox subalit nag-iiwan ng mas matinding sugat o peklat.

--Ads--

Bagamat parehas ng sintomas ang monkeypox ay nakukuha sa pamamagitan ng skin to skin contact, pakikipagtalik at intimate relationship.