CAUAYAN CITY- Nasa pangangalaga na ngayon ng Santiago City Police Station 4 ang suspek sa pagpatay sa isang Lupon Tagapamayapa Member at Irrigator’s Association President ng Barangay Nabbuan Santiago City.
Makalipas ng tatalong buwan ay nasakote na rin sa wakas ang nagtagong suspek na isang retiradong Pulis.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Hassan Nor Damac ang Acting Station Commander ng Santiago City Police Station 4 sinabi niya na naaresto ng mga otoridad ang suspek sa pagpatay na si Ret. PMaj. Danilo Buan.
Ang oprasyon ay pinangunahan ng mga pinagsanib na pwersa ng Santiago City Police Station 4 at City intelligence Unit para maisilbi ang Warrant of Arrest laban kay Buan dahil sa kasong Murder, Frustrated Murder at Attempted Murder na ipinalabas ni Hukom Michelle Ibarra Gumpal-Videz ng Regional Trial Court Second Judicial Region, Branch 35, Santiago City.
Tatlong buwan na ang nakakalipas ng pagbabarilin hanggang sa napatay ng suspek na si Buan sina Lupon Tagapamayapa Member Sonny Julian Sr. at Irrigator’s Association President Melchor Bolante.
Tila nabunutan naman ng tinik ang pamilya ng mga biktima at mga residente ng Nabbuan dahil sa pagkaka-aresto ni Buan dahil sa nabigyan narin ng hustistya ang mga biktima.
Kung maaalala nag-ugat ang krimen ni Buan dahil sa naging alitan nila ng mga biktima sa pagpapatubig ng kanilang sakahan.