--Ads--
CAUAYAN CITY – Nag iwan ng maraming sugatan ang pananalasa ng bagyong Shanshan sa Japan.
Naglandfall ang bagyo sa bahagi ng Kyushu Island.
Dahil sa malakas na hangin, maraming bahay ang nawasak na nag iwan ng mga nasugatan.
Batay sa Japan Meteorological Office inaasahang magdadala pa ng malalakas na pag-ulan si Shanshan dahil mabagal itong kumikilos patungo sa mainland Honshu at siyudad ng Osaka.
--Ads--
Ang bagyong Shanshan na umano ang pinakamalakas na bagyong tumama sa Japan mula nang tumama ang bagyong Isewan noong 1959.
Taglay ng Bagyong Shanshan ang lakas ng hangin na aabot sa 198 kilometro bawat oras.
Sa ngayon nanatiling naka-alerto ang mga otoridad ng Kyushu Island dahil sa banta ng pagbaha, pagguho ng lupa at storm surge.