--Ads--

Nagkakaroon na ng panic buying ng bigas sa bansang Japan dahil sa banta ng megaquake, pananalasa ng bagyo at isang linggong national holiday.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Myles Briones Beltran isa sa pangunahing pagkain o staple food ng mga hapon ang kanin ngunit sa ngayon ay nagkakaroon na ng panic buying kahit nag-abiso na ang pamahalaan ng pagbabawal nito.

Maraming stores na ang naubusan ng stocks dahil sa panic buying kahit tiniyak ng pamahalaan na mapapaaga ang harvest season ng mga magsasaka ng palay.

Maraming mamamayan aniya ang natatakot na sa mga kalamidad kaya sila ay naghahanda na sa pagkain at iba pang pangangailangan.

--Ads--

Sa ngayon maraming tindahan na ang naglimita sa kanilang mga ibinibentang bigas kung saan nasa isang bag lamang ng bigas ang pwedeng bilhin ng isang pamilya sa isang araw upang maiwasan ang shortage sa bigas.

Aniya bagamat may mabibili man ay napakamahal na ng presyo.

Isa ang bigas sa pangunahing pagkain sa Japan kung saan nagsilbi pa itong currency sa nasabing bansa noong 7th century.

Aabot sa pitong milyong tonelada ng bigas kada taon ang annual consumption ng mga Japanese kaya maituturing itong staple food ng bansa.

Ayon sa Japan farm ministry, inaasahan ang harvest season sa huling bahagi ng Setyembre kung saan 40 percent ng taunang ani ang aanihin ng mga magsasaka.