--Ads--

CAUAYAN CITY- Agad na naapula ang nagliyab at nasunog na motorsiklo sa kahabaan ng Barangay Minante Dos, Cauayan City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa may-ari ng motorsiklo na si Janice Aquino, sinabi niya na galing siya sa Echague Isabela at patungo sa Poblacion Cauayan City ng biglang nakaamoy siya ng tila nasusunog.

Tumigil siya sandali sa gilid ng daan ng buksan niya ang utility box ay dito na nagliyab ang motorsiklo.

Laking pasasalamat naman niya dahil sa nagkataon na naroon sa lugar ang saksi na si Romel Senna na siyang tumulong para maapula ang sunog.

--Ads--

Ayon kay Senna humingi siya ng tulong sa isa pang lalaki at itinawid sa kabilang bahagi ng kalsada ang nasusunog na motor malapit sa kanilang carwash shop.

Gamit ang hose at tubig ay dahan dahan niyang inapula ang apoy na tumagal ng limang minuto.

Ito ang unang pagkakataon na nakakita o nakasaksi siya ng ganitong insidente dahil hindi naman ito kadalasang nangyayari.

Aniya karaniwang nagiging dahilan sa pagkasunog ng motorsiklo ay ang open wirings.