--Ads--

CAUAYAN CITY- Timbog ang isang indibidwal dahil sa pagbebenta ng iligal na baril at nasamsaman ng iligal na droga matapos itong makorner ng mga awtoridad sa isinagawang hot pursuit operation sa Barangay Palattao, Naguilian, Isabela.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office inaaresto ang suspek na kinilala sa alyas na “Paulo” dahil na din mabilis na pagtugon sa isang ulat ng illegal na aktibidad mula sa isang concerned citizen.

Batay sa ulat ng PNP Naguilan, nakatanggap ang kanilang himpilan ng tawag hinggil sa pagbebenta ng caliber .38 revolver sa nasabing lugar ng suspek.

Kaagad namang naglatag ng checkpoint ang mga tauhan ng Naguilian Police Station, katuwang ang PIU-IPPO at PIT, Isabela habang nasa checkpoint isang motorsiklo na tumutugma sa deskripsyon ng suspek habang papalapit ito sa inilatag na checkpoint ay  agad itong huminto at umikot para makaiwas sa mga otoridad.

--Ads--

Kaugnay nito ay nagtungo ang suspek sa isang eskinita sa nasabing barangay na nagbigay dahilan para sa mga operatiba na magkasa ng operasyon.

Nakuha mula sa pag-iingat at kontrol ng suspek ang isang caliber .38 revolver na may apat (4) na bala at nang tanungin ang suspek ng karampatang dokumento ng baril ngunit wala itong maipakita dahilan ng kanyang pagkakaaresto.

Narekober din mula sa suspek ang isang cellphone, Php 21,244.00 na cash money at apat na sachet ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu.