--Ads--

CAUAYAN CITY – Naka-preposition na ang family food packs ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Region 2 sa mga munisipalidad bilang paghahanda sa epekto ng Bagyong Enteng.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Lucia Alan ng DSWD Region 2 tiniyak niya ang kahandaan ng departamento sa pamamagitan ng pagpreposition sa mga family food packs na ipapamahagi sa mga residenteng apektado ng bagyo.

Aabot sa 122,648 ang family food packs ng DSWD kung saan ang 61,168 dito ay nasa mga lalawigan na para maipamahagi sa mga maapektuhang residente.

Ang 61,490 naman na family food packs ay nasa mga warehouses ng DSWD pangunahin na sa mga strategic areas tulad ng Santiago City, Ilagan City sa Isabela, Tuguegarao City, Abulug at Camalaniugan sa lalawigan ng Cagayan.

--Ads--

Ang mga ito ay maaring idagdag kapag nagkulang ang mga nakapreposition sa mga LGUs.

Batay sa natanggap nilang report may dalawang pamilya na mula sa Cabarroguis Quirino ang inilikas patungo sa evacuation center.

Tiniyak ni Regional Director Alan na 24/7 silang nakaalerto upang agad na makapamahagi ng tulong sa mga apektadong residente.