--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot sa mahigit limandaang indibidwal ang inilikas sa lalawigan ng Isabela dahil sa banta ng bagyong Enteng.

Ang mga ito ay mula sa bayan Echague, San Guillermo, Aurora, Jones, Roxas at Lungsod ng Cauayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Atty. Constante Foronda, sinabi niya na umabot sa 505 ang kabuuang bilang ng mga inilikas kung saan tatlumpu’t apat sa mga ito ang hindi pa pinapabalik sa kanilang tahanan.

Karamihan sa mga bahay ng mga evacuees ay gawa umano sa light materials at naka-pwesto sa mga mababang lugar kaya pinalikas sila pansamantala sa mga evacuation centers.

--Ads--

Nakahanda naman na ang 5,000 relief packs mula sa PSWD at 8,000 relief packs naman sa DSWD.

Patuloy ang kanilang monitoring sa Cagayan River. Pinag-aaralan naman ang pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam bukas, ika-apat ng Setyembre.

Samantala, wala naman gaanong naitalang pinsala ang Bayong Enteng sa lalawigan ng Isabela partikular sa mga imprastraktura subalit kasalukuyan pa ang assessment sa posibleng iniwang pinsala nito sa larangan ng Agrikultura.