--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasunog ang pagawaan ng PVC Pipe sa Brgy. Tagaran, Cauayan City, Isabela.

Dakong alas kwatro ng madaling nang magsimulang sumiklab ang sunog sa nasabing establishimento.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Valentine Mallari, Electrician at trabahador sa nasunog na gusali, sinabi niya na may kung anong pumutok sa loob ng gusali kung saan ginagawa ang pagtutunaw ng mga plastics na gagawing PVC na sinundan naman ng pagliyab.

Sinubukan pa umano nila itong apulahin gamit ang fire extinguisher at tubig  ngunit bigo silang apulahin ito dahil bukod sa mabilis nakumalat ang apoy ay nawalan pa umano ng tustos ng kuryente dahilan kayat hindi na makapag-supaly ng tubig ang kanilang tangke.

--Ads--

Dahil dito ay minabuti na nilang tumawag ng Bureau of Fire Protection Cauayan kung saan agaran naman ang kanilang naging pag-responde maging ang ilang mga fire volunteers sa Lungsod at sa mga karatig na bayan.

Hindi naman na nila nagawang isalba ang mga equipments sa loob ng warehouse maliban na lamang sa mga upuan at mga cabinet na nailabas sa gusali.

Tinataya namang aabot sa milyong piso ang halaga ng pinsala na iniwan ng sunog.

Maswerte namang hindi nadamay ang dalawa pang gusali na katabi ng nasunog na establishimento.