Nasungkit ng Creamline Cool Smashers ang kanilang ikasiyam na Premier Volleyball League (PVL) title matapos dominahin ang Akari Chargers, 25-15, 25-23, 25-17, sa Reinforced Conference finals sa PhilSports Arena nitong Miyerkules.
Nasungkit ni Bernadeth Pons ng Creamline ang MVP award para sa PVL Reinforced Conference ngayong taon. Ito ang unang titulo ng MVP para sa pinalamutian na manlalaro mula sa Negros Occidental.
Samantala, nakamit ng Akari Chargers ang kanilang pinakamataas na pagtatapos sa anumang PVL conference, na nakakuha ng silver medal.
Bumida sina American import Erica Staunton, Bernadeth Pons at Michele Gumabao para sa tagumpay ng tropa ni coach Sherwin Meneses.
Inangkin ng Creamline ang ikatlong sunod na titulo matapos pagreynahan ang 2023 Second All-Filipino at 2024 All-Filipino Conference sa kabila ng hindi paglalaro nina injured Alyssa Valdez at Tots Carlos at Alas Pilipinas member Jema Galanza.
Nabalewala naman ang 10-0 record ng Akari sa kanilang unang PVL finals appearance simula nang sumali sa liga noong 2022.