CAUAYAN CITY – Maswerteng nakuhanan ng video ng isang netizen mula sa Tuguegarao City, Cagayan ang pagpasok sa atmosphere ng mundo ng Asteroid bandang 12:39 AM kaninang madaling araw kung saan makikita ang ilang segundong biglang pagliwanag ng langit bunsod ng pagbulusok ng ‘fireball.’
Ang space rock na ito, na tinawag na Asteroid 2024 RW1.
Ayon sa ulat ng International Meteor Organization (IMO), siyam na beses pa lamang na nakita ang isang extraterrestrial object bago pa man ito pumasok o bumagsak sa atmosphere ng mundo.
Ayon sa IMO, una itong nadiskobre ng Mt. Lemmon Survey umaga ng September 04.
Ito ay isang “harmless” meter-sized asteroid na una ring naireport ng European Space Agency (ESA) na tatama sa Earth’s atmosphere partikular sa Northern Luzon.
Ang mga asteroid na may ganito kalaki ay bumubulusok patungo sa Earth halos bawat dalawang linggo nang walang anumang dalang panganib.
Hindi naman masasabi ang eksaktong itsura ng asteroid 2024 RW1 malapit sa Cagayan, ngunit may mga halimbawa naman ng mga katulad na ‘fireball’ nitong nakaraang mga taon.
Nakuhanan sa France ang pagpasok ng isa ring maliit (1 metrong asteroid) noong 2023.