Tiniyak ng Department of Agriculture o DA Region 2 na sisikapin nilang mabigyan ng tulong ang mga magsasaka na namatay ang alagang hayop sa pananalasa ng bagyong Enteng.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Executive Director Rose Mary Aquino ng DA Region 2, sinabi niya na may quick resonse fund naman ang kagawaran pwedeng gamitin bilang rehabilitation assistance sa mga magsasakang namatayan ng alagang hayop.
Kailangan lamang na naireport ito sa lokal na pamahalaan at dumaan sa validation na talagang namatay ang mga hayop sa pananalasa ng bagyo
Matatandaang tatlumput apat na alagang baka ang nalunod matapos maanod ng baha sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Enteng sa Angadanan, Isabela.
Aniya sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang monitoring at sakaling may updated report patungkol sa mga namatayan ng alagang hayop ay bukas naman ang kanilang tanggapan sa maaring ibigay na tulong sa mga magsasaka.