CAUAYAN CITY- Sarado na ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa nangyaring sunog sa isang Warehouse sa Barangay Tagaran Cauayan City kahapon.
Matatandaan na tinupok ng apoy ang pagawaan ng PVC Pipe kahapon ng pasado alas kwatro ng madaling araw at na fire out naman dakong alas syete ng umaga kung saan milyon milyong halaga ang naitalang pinsala.
Ayon kay FO1 Dennis John Deundo ng BFP Cauayan, base sa kanilang inisyal na imbestigasyon, tinatayang 1.5 Milyon ang halaga ng pinsala ngunit ayon naman umano sa owner ay umaabot sa humigit kulang 6 Milyon ang halaga dahil sa mga makinarya na nagkakahalaga rin umano ng Milyon.
Aniya, nakita nilang dahilan ng sunog ay ang short circuit sa mga wire ng makinaryang ginagamit sa pagtutunaw ng plastic.
Gayon pa man, hindi naman na umano interesadong mag file ng report ang may-ari ng nasunog na warehouse .
Sa ngayon ay itinuturing naman aniyang case close o sarado na ang usaping ito dahil ito umano ang kagustuhan ng may-ari ng warehouse.