CAUAYAN CITY- Nagpaliwanag ang isang Astronimical chief sa pambihirang Astronomical Event na nasaksihan ng maraming netizen sa Northern Luzon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Mario Reymundo ang Chief Astronomical Observation and Time Service Unit,sinabi niya na ang bumagsak na asteroid ay isang 2024 RW1 at unang naobserbahan ito ng Catalina Sky Survey (CSS) sa Tucson Arizona.
Aniya pumasok ang RW1 sa atmosphere ng mundo at nasaksihan sa ilang bahagi ng Luzon partikular sa bahagi ng Cagayan.
Pasado alas dose ng madaling araw ng masilayan ang fire ball o kung tawagin ay bolite isang special type ng carbon na sumasabog.
Aniya bagamat karaniwang banta sa kaligtasan ng sangkatauhan ang asteroids ang 2024 RW1 ay mas maliit sa karaniwang asteoird na kalaunan ay sumabog habang bumabagsak sa kalawakan.
Karaniwang nakikita ang asteroids sa pagitan ng planetang Mars at Jupiter sa katunayan aniya hindi ito ang unang pagkakataon na may pumasok na asteroid sa mundo subalit karamihan ay bumabagsak sa karagatan habang may ilang pagkakataon na hindi na rerecover ang meteorite.