--Ads--

Gumugulong na ang imbestigasyon ng mga otoridad sa Georgia sa naganap na mass shooting sa Apalachee High School sa Winder, Georgia.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Jon Melegrito na naaresto na ng mga otoridad ang suspect sa pamamaril sa na isang 14 year old na Estudyante sa naturang  Eskwelahan sa Georgia.

Sa ngayon ay hindi pa natutukoy ang motibo sa pamamaril ng suspect maliban sa nagkaroon siya ng access para sa isang hand gun.

Dahil sa insidente ay inaasahang mas-iinit pa ang usapin ng gun violence ngayong Us Presidential Elections lalo at naitaon ang bagong insidente ng mass shooting sa pagbubukas ng klase sa mga paaralan sa Estados Unidos.

--Ads--

Sa kaslaukuyan apat ang kumpirmadong nasawi habang siyam ang nasugatan sa pamamaril sa  Apalachee High School.

Tuloy tuloy ang imbestigasyon lalo at nagdulot ito ng pangamba para sa mga magulang na agad nagtungo sa Eskwelahan matapos na lumabas ang balita para matiyak ang seguridad ng kanilang mga anak.

Inaasahang mag-iiwan naman ito ang psychological trauma sa mga biktima maging sa publiko dahil sa nagpapatuloy na gun violence.

Una naring nagpahatid ng pagkundina si Vice President Kamala Harris sa umiiral na gun violence sa mga eskwelahan na kumitil na ng maraming buhay ng mga Estudyante sa Amerika.