--Ads--

Inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nagkaroon ng pagbagal ang inflation o ang paggalaw ng presyo ng mga bilihin noong nagdaang buwan ng Agosto ngayong taon.

Ayon sa PSA, pumalo lang sa 3.3 percent ang inflation na mas mababa sa 4.4% noong nagdaang Hulyo.

Ayon pa sa PSA, bumagal ang pagtaas ng presyo ng pagkain at transportasyon kaya bumagal din ang inflation.

Mas mababa rin ang 3.3% na naitala noong Agosto ngayong taon kumpara sa 5.3% noong Agosto 2023.

--Ads--

Ang food inflation ay nasa 3.9% noong Agosto, mas mababa sa 6.4% noong Hulyo.

Bumagal din ang rice inflation sa 14.7% mula sa 20.9% noong Hulyo at bumagal din ang transport inflation sa -0.2 percent mula sa 3.6% noong Hulyo.