CAUAYAN CITY- Tinututukan ng Department of Labor and Employment Region 2 ang mataas na bilang ng Underemployment sa Lambak ng Cagayan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jesus Elpidio Atal Jr. Chief ng DOLE Region 2, sinabi niya na bagama’t mataas ang employment rate sa rehiyon na pumapalo sa 96% ay mataas din naman ang Under-employement rate.
Ang underemployed ay tumutukoy sa isang indibidwal na mayroong trabaho pero hindi sapat ang oras ng trabaho nito o dili kaya’y hindi akma ang kakayahan nito sa uri ng trabaho na kaniyang pinasukan.
Giit ni Atal na kailangang pababain at bigyang solusyon ang problema sa Underemployment dahil nakakaapekto ito sa pag-unlad ng isang Rehiyon.
Dahil dito ay nakikipag-ugnayan sila sa mga paaralan sa pamamagitan ng pagbibigay ng labor market information sa mga guidance counselors maisama sa kanilang Carreer Guidance Counceling sa paaralan.
Kailangan din aniyang magkaroon ng koordinasyon ang mga nasa labor sector gaya TESDA, Training Institutions para mabigyan ng sapat na trainings ang mga aplikante na naaayon sa pangangailangan ng industriya.