--Ads--

CAUAYAN CITY- Walang iniwang pinsala ang bagyong Enteng sa pasilidad ng mga Eskwelahan partikular sa mga silid-aralan  sa lalawigan Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Jesus Antonio, Chief ng School Governance and Operations Division, sinabi niya na may mga naiulat naman sa kanilang mga tanggapan na mga minor damages sa mga paaralan pero hindi na ito sakop ng kanilang mga structural facilities.

Sa kabila nito ay sinisisiguro naman nila na nahahatiran nila ng tamang impormasyon ang mga mag-aaral at magulang kaugnay sa mga dapat gawin kung sakali mang may bagyo.

Ito ay masiguro na maging ligtas ang mga mag-aaral sa banta ng bagyo o kung anumang mga kalamidad pangunahin na kapag nagkakaroon ng kaselasyon sa  mga klase.

--Ads--

Sa kabila nito ay sinisiguro naman nila na hindi tumitigil ang pagkatuto ng mga mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga modules tuwing walang klase.

Dahil sa napapadalas na ang pag-ulan na nararanasan sa lalawigan ay tinutukan naman nila ngayon ang iba’t ibang pamamaraan para maiwasan ang pagkakatala ng kaso ng dengue.

Umiikot naman ang kanilang mga kawani sa iba’t ibang mga paaaralan sa lalawigan upang matiyak na nakakasunod ang mga ito sa panuntunan.