CAUAYAN CITY – Nakauwi na sa kani-kanilang mga bahay ang nasa 219 pamilyang inilikas sa kasagsagan ng Bagyong Enteng.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DSWD Regional Director Lucy Alan sinabi niya na nasa 219 pamilya o 805 indibidwal ang apektado ng Bagyong Enteng sa 24 Barangay sa buong Rehiyon.
Aniya ilan sa mga ito ay nanatili sa evacuation center habang may ilang nakisilong na lamang sa mga kamag-anak.
Dahil sa kaunti lamang ang nanatili sa evacuation center at hindi din nagtagal ay umabot lamang sa 587 family food packs ang kanilang naipamahagi o katumbas ng 397, 841 pesos mula sa mga preposition food packs sa bawat LGU partikular sa coastal areas at Island Province of Batanes kung saan nakapaghatid sila ng 7,000 food packs.
Nakapag bigay din sila ng Dalawang Family kits at Sleeping kits sa Bayan ng Saguday, Quirino.
Nanatili namang nakahanda ang DSWD sa anumang sakuna o bagyong posibleng tumama pa sa bansa dahil sa pre-positioned na lahat ang mga family food packs sa lahat ng mga Local Government Units.
Bilang paghahanda ay tuloy tuloy ang pagbibigay nila ng training at Capacity building sa mga LGU.
Sa katunayan ay katatapos lamang ng mga training na kanilang isinagawa katuwang ang mga Local Social Workers at MDRRMC.
Layunin nito matiyak na maayos at maagap na iahahatid ang serbisyo sa mga kababayang nangangailangan.
Tinitiyak din ng DSWD Region 2 na anumang mga ayuda mula sa ahensya na ipapamahagi sa mga LGU ay hindi mahahaluan o magagamit sa pamumulitika.