Labis ngayon ang pangamba ng nasa dalawang libong mga Pilipinong na nasa Vietnam na karamihan ay mga guro dahil sa bagsik ng Bagyong Yagi.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Cholo Calixtro na naghahanda na sila dahil sa inaasahang matindi ang magiging epekto ng Bagyong Yagi.
Hindi maiwasan na mangamba silang mga Pilipinong nagtratrabaho sa Vietnam dahil sa inaasahang malakas ang Bagyong Yagi na mananalasa na sa mainland at Hanoi na posibleng umabot hanggang Signal Number 5.
Sa mga datos na kaniyang nakalap maraming mga indibiduwal na ang inilikas at dinala na sa mas ligtas na lugar.
Ito na ang pinaka malakas na bagyong tumama sa Vietnam sa matagal na panahong hindi sila sinasalanta ng bagyo.
Kanselado na ngayon ang mga klase at pasok sa mga opisina habang abala na ang mga law enforcement para umalalay sa mga mangangailangan ng tulong habang naka- stand by na ang mga bangka na gagamitin sakaling kailanganin.
Para sa kanilang kaligtasan sakaling bumaha ay nakausap na nila ang kanilang land lord para maghanda na lumipat sa 4th floor o mas mataas na lugar kung kakailanganin.
Nagkaroon na rin ng panic buying dahil sa nagkaubusan na ng supply ng karne at wala ng mabili sa merkado.
Ramdam na ngayon ang bagsik ng Bagyong Yagi dahil maraming mga sasakyan na ang nabagsakan ng punong kahoy habang amg mga lake o lawa ay umapaw na nagdulot ng pagbaha.