--Ads--

Hindi na umano nakakagulat ang pagsuporta ni dating US Vice President Dick Cheney kay US Vice President Kamala Harris sa Presidential Election.

Matatandaan na kinumpirma ni Cheney na iboboto niya si Democratic Presidential Candidate VP Harris sa halalan sa Nobyembre ng kasalukuyang taon.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Jon Melegrito na bagama’t isang Republican si Cheney ay hindi umano nito gusto na muling mahalal sa pagkapangulo si Trump dahil banta umano siya sa demokrasiya ng Estados Unidos.

Ito rin aniya ang paniniwala ng ilang Republican Leader ngunit hindi pa umano sila naglalabas ng opisyal na pahayag sa kung kanino sila susuporta ngunit maaari umanong sumunod ang ilan sa ginawang hakbang ni Cheney.

--Ads--

40% kasi umano ng dating miyembro ng gabinete ni Trump ang hindi umano boboto sa dating pangulo lalo na at wala umano sa mga ito ang dumalo sa ginanap na Republican Convention.  

Magiging kalamangan naman ito para kay Harris lalo na at marami nang matataas na opisyal ang nag-eendorso sa kaniya.