CAUAYAN CITY – Anim na entry senders ang mapalad na nabunot sa katatapos na Grand Draw ng Swerte sa Palengke 2024 balde-baldeng Papremyo na, May Cash Pa!
Tumataginting na P7 million worth of prizes ang ipinamigay para sa mga entry senders na masigasig na naghulog ng kanilang entries mula week 1 hanggang week 7.
Nanalo ng 1st prize na P30,000 si Ginang Imelda Morta ng Research, Minante 1 Cauayan City na gumamit ng proof of purchase na surf.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan sinabi niya Ginang Imelda na walang mapagsidlan ang kaniyang kagalakan dahil sa mula sa higit dalawang libong entries ay siya ang mapalad na mabunot para sa 1st prize.
Aniya ipinanalangin niya ang pagkapanalo niya na itinuturing niyang maagang christmas gift.
Hindi naman ito ang unang beses na manalo siya sa mga papromo ng Bombo Radyo at Star FM dahil makailang beses na siyang nanalo sa Buena Mano Salvo, Swerte sa Palengke maging sa Barangay Draw.
Isa sa mga nakahikayat sa kaniya ang kaniyang nanay na sumasali at naghuhulog rin ng entry sa pa-promo ng Bombo Radyo.
Ilalaan niya ang napanalunang premyo sa kanilang pangangailangan sa bahay.
2nd prize na P15,000 naman ang naiuwi ni Rosie Labuguen ng Sampaloc, Cabatuan, Isabela na gumamit ng proof of purchase na Gardenia.
Samantala, hindi naman inasahan ng 3rd prize winner na si Djanil Palapal ng Calaocan, Santiago City na mananalo siya sa promo at mag-uuwi ng P10,000.
Aniya, siya mismo ang nakarinig sa kaniyang pangalan habang inaanunsiyo sa katatapos na Grand Draw.
Tuwang tuwa aniya siya dahil ang inasam niyang mapanalunan ay ang daily prizes lamang mula week 1 to week 7.
Kahit makailang beses aniyang di nanalo ay hindi siya nawalan ng pag-asa lalo at ang madalas lamang naman aniyang sumasali sa kanilang pamilya ay kaniyang nanay na minsan na ring nanalo ng Radyo.
Sa ngayon ay abala siya sa pagtulong sa kanilang bahay dahil sa nahinto siya sa pag-aaral.
Bahagi naman ng kaniyang premyo ay ibibigay niya sa kaniyang magulang.
Tatanggap naman ng tig-limang libong piso ang tatlong consolation prize winners na sina Armando Lata ng San Luis Cauayan City, Teofilo Benedicto ng Sta. Maria Echague ISabela at Cleotilde Galima ng Cabulay, Santiago City.
Ang Swerte sa Palengke Promo ay isa na namang handog pasasalamat ng Bombo Radyo Philippines at Star FM sa mga tagapakinig at tagasubaybay sa Luzon, Visayas, Mindanao at National Capital Region katuwang ang mga kompanyang taga-gawa ng Orocan, Gardenia, Revicon, Jimms coffee mix, Mega Mackerel, Bioderm at Surf.