--Ads--

CAUAYAN CITY- Patuloy ang ginagawang hot pursuit operation ng kasundaluhan sa mga nalalabing kasapi ng Komiteng Rehiyon Cagayan Valley o KRCV.

Ito ay matapos ang nangyaring engkwentro sa pagitan ng mga teroristang grupo at ng tropa ng 502nd Infantry Brigade maging ang Police Regional Office 2 sa Sitio Pallay, Baliuag Peñablanca, Cagayan.

Inihayag ni BGen. Eugene Mata, Commander ng 502nd Infantry Brigade sa pulong balitaan na bago ang naganap na engkwentro nitong ika-11 ng Setyembre ay nasa labimpito pa ang miyembro ng KRCV na pinamunuan ni Edgar Arbitrario.

Sa ngayon ay nasa labindalawa na lamang ang natitirang miyembro nito matapos masawi sa engkwentro ang ilan sa mga ito kabilang na ang kanilang lider na si Edgar.

--Ads--

Isa naman aniya ang nahuli ng kanilang hanay habang isa ang sumuko.

Umaasa si BGen. Mata na sa tulong ng NTF-ELCAC susuko rin sa awtoridad ang mga nalalabing miyembro ng makakaliwang grupo.

Samantala, Binigyang papuri din ng pamunuan ng Police Regional Office 2 ang Intelligence Agencies ng PNP at ng 502nd infantry brigade na nasa likod ng matagumpay na operasyon.

Sa naging pahayag ni PBGen. Christopher Birung ang Regional Director ng Police Regional Office 2 na ang pag-kakaaresto sa dalawang NPA member ay bunga ng masigasig na hakbang ng pamahalaan para mawakasan ang isurhensiya.

Nanawagan naman ng pag-kakaisa si Cagayan Governor Manuel Mamba kasabay ng pagkasawi ni KRCV REgional Party Secretary Edgar Arbitrario.

Muli ay hinikayat niya ang nalalabing mga miyembro ng New Peoples Army na magbalik loob na upang mawasakan na ang matagal na problema sa insurhensiya.