--Ads--

Bahagyang lumakas ang Tropical Depression Gener habang mabagal na kumikilos palapit sa Hilagang Luzon.

Batay sa Tropical Cyclone Bulletin Number 2 ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 325 km East Northeast ng Casiguran, Aurora. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 km/h.

Nakataas pa rin sa Signal Number 1 ang Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Abra, Ifugao, Mountain Province, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Aurora, at northern portion ng Quezon.

Inaasahang maglaland fall ang Bagyong Gener sa lalawigan ng Isabela o Aurora sa loob ng 24 oras.

--Ads--

Hindi pa inaalis ng PAGASA ang posibilidad na lumakas pa sa tropical storm category ang bagyo bago ito maglandfall sa mga nasabing lalawigan.

Samantala, pinapalakas din ng Bagyong Gener ang Hanging Habagat na nagdadala naman ng mga pag-ulan sa MIMAROPA, Western Visayas, at Negros Island Region.