--Ads--

CAUAYAN CITY – Agad na pinauwi ang mga mag-aaral sa lalawigan ng Isabela matapos itaas ang signal number 1 sa buong lalawigan dahil sa bagyong Gener.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Jesus Antonio ng Schools Division Office ng Isabela, sinabi niya na kaninang alas otso lamang kasi ng umaga naglabas ng advisory ang Pagasa kaya naman marami nang mga estudyante ang nakapasok sa paaralan.

Kaagad naman umano nilang inabisuhan ang mga school heads katuwang ang mga Local Disaster Risk Reduction and Management Office para imonitor ang pag-uwi ng mga mag-aaral.

Nakipag-ugnayan din umano ang mga guro sa mga magulang para masundo ang kanilang mga anak para matiyak na  ligtas ang mga ito sa kanilang pag-uwi.

--Ads--

Sa ngayon ay tinututukan naman nila ang mga eskwelahan na madaling mabaha pangunahin na ang mga nasa low-lying areas na maaaring maapektuhan dahil sa bagyo.