CAUAYAN SITY – Nakahanda na ang Family Food packs ng DSWD Region 2 para sa mga maaaring naapektuhan ng paglandfall ng bagyong Gener sa Northern Luzon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Lucia Alan ng DSWD Region 2 sinabi niya na may mga nauna nang inilikas sa bahagi ng Nueva Vizcaya dahil sa pagbaha kung saan nakapagbigay ang departamento ng 180 family food packs na nagkakahalaga ng P86,400.
Agad din naman aniyang nakabalik ang mga ito sa kanilang mga bahay dahil humupa na ang baha.
May ilang pamilya rin na isinailalim sa preemptive evacuation sa Brgy. Culasi sa Palanan Isabela bagamat batay sa pakikipag-ugnayan natin sa MDRRMO Palanan, light rains lamang ang kanilang naranasan.
Patuloy naman ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga local government unit o LGUs para sa pamamahagi ng food packs bagamat may nakapreposition na sa mga ito.