CAUAYAN CITY- Nagkaroon ng pagguho ng Lupa sa bayan ng Kayapa, Nueva Vizcaya dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulang nararanasan sa naturang lugar.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauyan kay Ervin Lucena, Operation Team Leader ng Nueva Vizcaya Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, sinabi niya na alas tres kaninang madaling araw nang makatanggap sila ng ulat kaugnay sa nangyaring landslide dahilan kung kaya’t hindi makatawid ang mga motorista na bumabaybay sa daan.
Alas siete y media naman kaninang umaga ay nasa lugar na ang mga kasapi ng PDRRMO at Department of Public Works and Highways para sa clearing operations at pagsapit ng alas otso ng umaga ay one-lane passable na ang naturang daan.
Sa ngayon ay nakararanas pa rin aniya ng light to moderate na pag-ulan ang buong lalawigan ng Nueva Vizcaya kaya’t patuloy pa rin ang kanilang pakikpag-ugnayan sa mga MDRRM Offices para ma-monitor ang mga kaganapan sa kanilang nasasakupan.