--Ads--

CAUAYAN CITY – Nanatiling passable ang lahat ng mga daan papasok at palabas ng Region 2 sa kabila ng mga napaulat na pagguho ng lupa dulot ng mga pag-ulan sa Nueva Vizcaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ervin Lucena ang tagapagsalita ng Nueva Vizcaya Operation Center sinabi niya na nakakaranas parin ang Lalawigan ng mga pag-ulan.

Sa kabila ng mga pag-ulan ay nanatiling passable ang Nueva Vizcaya-Pangasinan Road via Malico at Nueva Vizcaya-Benguet Road via Kayapa subalit mararanasan ang moderate to heavy traffic sa Diadi at Sta. Fe dulot ng mga road constructions.

Aabutin ng tatlumpung minuto ang interval sa bawat lane dahil one way traffic lamang ang maaaring makadaan sa lugar subalit mas tumatagal ito dahil sa mga motoristang nagka-counter flow.

--Ads--

Cleared na lahat ang mga naitalang serye ng landslides sa Kayapa bagamat mya mga occational landslides ay maliliit lamang ito at agad silang nakakapag sagawa ng clearing operations.