--Ads--

CAUAYAN CITY- Abala na ang Commission on Election o COMELEC- Isabela para sa nalalapit na filing ng Certificate of Candidacy o COC  ng mga kandidato sa 2025 midterm election.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Manuel Castillo Jr. ang Provincial Election Officer ng Comelec Isabela sinabi nito na handa na ang comelec offices sa probinsya para sa mga magpapasa ng kanilang COC .

Aniya, bagaman abala sila dahil matatapos na ngayong Setyembre ang voter’s registration kasalukuyan na rin ang paghahanda nila para sa darating na October 1-8 para tumanggap ng mga COC galing sa mga nagnanais tumakbo sa election sa susunod sa taon.

Dagdag pa ni Atty. Castillo, magiging masusi ngayon ang beripikasiyon sa mga COC ng mga kandidato dahil dapat napunan lahat ng mga kinakailangan sa kanilang application.

--Ads--

Nagpaalala rin ito sa mga tatakbo na kung maari ay huwag nang paabutin pa sa last day of filing ang pagpapasa ng COC kung kaya naman itong ipasa ng mas maaga nang sa ganoon ay masuri pa kung tama ang mga nakalagay sa form na kanilang sinagutan.

Binanggit din ni Atty. Castillo na magiging istrikto sila sa pagsusuri sa mga nuisance candidate gayundin sa mga substitution candidate.