--Ads--

CAUAYAN CITY- Pumalo na sa anim ang nasawi habang sampu ang nawawala sa malawakang pagbaha sa Ishikawa Prefecture, Japan.

Ito ay bunsod ng matinding buhos ng ulan na naranasan sa lugar matapos manalasa ang tinatawag nilang Typhoon 14.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Hannah Galvez na nasa 4,300 household na ang apektado ng pagbaha sa Wajima, 1,100 sa Sauzu at 840 households sa Noto Area.

Ang mga nabanggit na lugar ay ang mga pinaka-naapektuhan sa nagdaang lindol na tumama sa Japan noong unang araw ng Enero ngayon taon.

--Ads--

Nasira kasi ng lindol ang mga riverbanks sa naturang mga lugar dahilan kaya’t mabilis ang pag-apaw ng tubig sa labing-anim na ilog na nagdulot ng pagbaha sa mga kabahayan.

Gumuho rin ang tunnel na kasalukuyang kinukumpuni dahil sa sirang natamo nito dahil sa nagdaang pagyanig kung saan dalawa ang kumpirmadong nasawi.

Batay sa Japan Meteorological Agency ay ito na ang pinaka-malakas na pag-ulang naitala sa Japan simula noong 1960’s.

Nitong Lunes ay tumila na ang pag-ulan at humuhupa na rin ang baha kaya kasalukuyan na ang ginagawang clearing operations ng mga awtoridad katuwang ang self-defense course.

Sa ngayon ay wala pa naman umanong mga Pilipino ang naitalang naapektuhan sa pagbaha.