CAUAYAN CITY – Isinara na ng National Irrigation Administration Magat River Integrated Irrigation System o NIA-MARIIS ang lahat ng radial gates at terminated na rin ang kanilang flood warning dahil bumaba na ang water inflow ng Magat Dam.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Carlo Ablan ang Division Manager ng Dam and Reservoir Divison ng NIA-MARIIS, sinabi niya humupa na ang mga pag-ulan kaya bumaba na rin ang water in flow habang ang water elevation ay nanatiling ligtas at sapat para sa water releasing para sa mga irrigation system na sakop ng magat dam bilang paghahanda sa dry cropping season.
Sa kabila nito ay handa pa rin naman ang NIA-MARIIS na muling magbukas ng radial gate kung kakailanganin o kung muling makakaranas ng matinding thunderstorms ang upstream ng Magat watershed.
Sa kasalukuyan ay wala naman silang naitalang pinsala sa mga irrigation system.
Patuloy naman nilang pinag-iingat ang publiko sa paligid ng Magat River na maging maingat sa pagtungo sa ilog sa kabila ng termination o pagpapatigil na ng pagpapakawala nila ng tubig.