--Ads--

CAUAYAN CITY – Ipapatupad na ng Public Order and Safety Division o POSD ang point to point system para sa mga namamasadang tricycle sa mga karatig bayan ng Lungsod ng Cauayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin sinabi niya na hanggang ngayon ay suliranin pa rin nila ang agawan ng pasahero ng mga namamasadang tricycle dito sa Lungsod.

Ito aniya ay dahil sa mga reklamo kaugnay sa mga TODA mula sa ibang bayan na namamasada sa ibang ruta.

Bilang tugon dito ay ipinatupad na nila ang point to point system para sa mga TODA mula sa ibang bayan.

--Ads--

Ayon kay POSD Chief Mallillin napag-alaman na maraming mga namamasadang tricycle ang umiiwas sa kanilang pila o terminal para makapagsakay ng mas maraming pasahero.

Samantala, maliban sa agawan ng pasahero ay tinututukan rin nila ang mga colorum na tricycle na walang prangkisa o permit na namamasada.

Hiniling niya ngayon sa Panlungsod na konseho na magpatupad na ng ordinansang tututok sa mga kolorum sa pamamagitan ng pagrerequire sa mga private vehicle na magpaskil ng For Service Only signage o sticker para maiwasang sila ay magsakay ng pasahero.

Tinugunan na rin nila ang problema sa mga parking areas para sa mga namamasadang tricycle kaya inaasahang maiibsan nito ang trapiko sa Lungsod.

Naging epektibo rin ang rotonda pergola sa bahagi ng Barangay Turayong partikular sa intersection papasok sa Cauayan National High School at Cauayan North Central School.