--Ads--

CAUAYAN CITY- Nangangamba ang Rice Miller Association Region 2 sa pahayag ng Kagawaran ng pagsasaka na posibleng bumaba ng husto ang presyo ng bigas pagsapit ng Enero sa sususnod na taon.

Batay sa pagtaya ng mga Economic Managers, maaari umanong umabot sa limang piso hanggang pitong piso ang mababawas sa presyo ng bigas kada kilo na resulta ng pagbabawas sa taripa ng mga imported na bigas.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ernesto Subia, Presidente ng Rice Miller Association Region 2, sinabi niya na malulugi ang mga magsasaka dahil paniguradong bababaan din ng husto ang mga presyo ng palay.

Masyado aniyang one-sided ang hakbang na ito ng pamahalaan dahil tanging consumer lamang ang napapaburan habang lalong naghihirap ang mga producer o mga magsasaka.

--Ads--

Bagama’t may pangamaba ay hindi naman sila kumpiyansa na matatapyasan ng nasa lima hanggang pitong piso ang kada kilo ng bigas gaya ng kagawaran.

Aniya, mataas ang presyo ng bigas sa world market kaya kahit tanggalin pa ang taripa ay malaki pa rin ang magagastos sa pagbili.

Kung talaga aniyang gusto nilang mapababa ang presyo ng bigas ay kailangan nilang maglagay ng Price Cap sa mga Rice Retailer.  

Masyado kasing malaki ang patong sa presyo ng ilang mga rice retailers na umaabot umano ng tatlong daan hanggang isang libong piso depende sa kalidad ng palay.

Mura aniya ang bigay ng mga Rice Mill sa mga whole seller ngunit pagdating sa retailer ay daan-daan ang pinapatong nila sa presyo dahilan kaya’t napaka-mahal ng presyo ng bigas sa Merkado.