CAUAYAN CITY- Bibilhin ng Provincial Government of Isabela ang mga palay ng mga magsasakang Isabelino sa presyong 27 pesos kada kilo.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Liz Binag, public information officer ng Isabela Provincial Government, sinabi niya na ang pagbili ng mga palay sa mataas na presyo ay tulong ng pamahalaan sa mga maliliit na magsasaka sa lalawigan.
Libre rin ang paghahakot sa mga palay at maari ring gamitin ang BRO truck na ibinigay sa mga barangay para pagsakyan ng kanilang ibebentang ani.
Nilinaw naman niya na ang mga marginalized farmers o magsasakang nasa dalawang ektarya pababa ang sinasaka ang tanging kasama sa programa.
Kinakailangan din na rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA ang mga magsasakang magbebenta ng kanilang aning palay.
Dagdag pa niya dapat ay nasa 14 percent and below ang moisture content ng mga ibebentang ani upang masiguro na maganda ang storage quality nito at hindi agad masisira