--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagbigay ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng pangkabuhayan para sa mga Parolee at Probationers sa ika-anim na Distrito ng Isabela.

Naganap ang Awarding of Pangkabuhayan Project sa District 2 Cauayan City kung saan 33 na kliyente ang nabigyan ng iba’t-ibang klase ng pangkabuhayan na nagkakahalaga ng 25-30,000 pesos bawat isa.

Ang mga ipinamahaging pangkabuhayan ay bigasan vending, fish and meat vending, snack vending, frozen goods, siomai vending, chicken vending, Agri supply and sacks, panciteria, gamit sa carpentry, at gamit sa parlor.

Sa naging pnayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Supervising Labor and Employment Officer, Froctoso Agustin, ng DOLE, hindi dapat aniya maging diskriminasyon ang pagbibigay ng tulong ng gobyerno.

--Ads--

Hindi naman aniya dahil nagkaroon ng pagkakamali ang mga probationers at parolees ay wala na silang karapatang magbagong buhay.

Sa katunayan aniya, kung mapapalago ng mga benepisyaryo ang livelihood assistance na nagkakahalaga Ng 25-30,000 pesos ay magbibigay pa ang DOLE ng karagdagang tulong.

Ang ibinigay na livelihood assistance aniya ay nakabase sa kahilingan ng mga benepisyaryo.