--Ads--

CAUAYAN CITY – Magsasagawa ng Rapid damages assessment ngayon ng PDRRMO Cagayan sa posibleng iniwang pinsala ng Bagyong Julian upang maisailalim sa State of Calamity ang Lalawigan ng Cagayan.

Ito ay dahil sa inaasahang malaking pinsala sa agrikultura partikular sa pananim na palay at palaisdaan ang pananalasa ng Bagyong Julian.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Rueli Rapsing ng Cagayan, sinabi niya na humupa na ang nararanasang pag-ulan sa Lalawigan matapos na kumilos na papalayo ang Bagyong Julian.

Aniya hindi na nadagdagan pa ang labing isang bayan na naapektuhan ng bagyo kung saan sumampa na sa 577 ang pamilyang nilikas o katumbas ng 1,778 na indibidwal.

--Ads--

Nagkaroon ng banta ng pagguho ng lupa ang Baggao, Sta. Praxcedes, Lal-lo,Gataran, Claveria habang binaha naman ang ilang bahagi ng Sta Teresita, Allacapan, Sta. Ana at Aparri Cagayan.

Sa ngayon wala pa naman silang naitalang pinsala sa mainland Cagayan ngunit hinihintay pa nila ang ulat kaugnay sa pinsalang naitala sa Isla ng Calayan na isa sa mga matinding hinagupit ng bagyo.