--Ads--

Pirmado na ni Pangulong BongBong Marcos Jr. Bilang batas ang Value Added Tax sa Digital Services Provider o Republic Act No. 12023 ngayong Miyerkules, October 2.

Sa ilalim ng bagong batas, papatawan ng 12% na VAT ang alinmang digital transactions sa foreign o non-resident digital services (DSPs).

Saklaw ng bagong batas ang foreign enterprises na wala sa bansa ngunit patuloy na nagbibigay serbisyo para sa mga Pilipino.

Kabilang dito ang mga online marketplaces gaya ng Temu, Amazon, Shane gayundin ang mga streaming services na Netflix and Disney+.

--Ads--

Dagdag pa rito ang mga search engines, cloud services, online media and advertising, online platforms, at digital goods.