CAUAYAN CITY- Dagsaan ngayon sa F.L Dy building partikular sa dating POSD Office ang mga benipisyaryo ng Isabela Recovery Initiative to Support Enterprises (IRISE).
Sinamantala ng mga tricycle drivers ang nakatanggap na sampong kilong bigas na ibinibigay ng nasabing programa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Francisco Tagangin, kaya dinagsa aniya ng mga tricycle driver ang distribution site ay dahil sa pangamba na magkaroon ng cutoff sa pagbibigay ng bigas.
Kung hindi kasi aniya makukuha ang bigas, ay hindi na ito pwede pang kunin o i-claim sa mga susunod na buwan.
Sayang naman aniya kung hiindi makukuha ang bigas lalo na ngayon at pataas na ng pataas ang presyo nito kung bibilhin sa merkado.
Pa konswelo na lamang umano ang nasabing bigas para sa mga tricycle driver dahil ramdam na ng kapwa niya driver ang hirap at tumal sa pamamasada.