CAUAYAN CITY – Naglandfall na ang bagyong Julian sa Southern Taiwan.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 255km North Northwest ng Itbayat Batanes. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 200km/h. Kumikilos ito pa East Northeastward sa bilis na 10km/h.
Sa ngayon ay wala nang lugar sa bansa na nakasailalim sa tropical cyclone wind signals.
Batay sa forecast track ng DOST-Pagasa, dahil sa northeasterly windflow sa East China Sea at Taiwan Strait, magpapatuloy ang paghina ng bagyong Julian. Sa kabila ng pagpasok nito sa sa Philippine Area of Responsibility ay wala na itong direktang epekto sa alinmang lugar sa bansa at sa paghina nito sa Taiwan Strait ay magiging isa na lamang itong remnant low.