--Ads--

Nanatiling mataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa Bansa sa kabila ng mababang inflation rate na naitala ng Philippine Statistics Authority.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay IBON Foundation Executive Director Sonny Africa sinabi niya na bagamat mababa ang inflation ay hindi ito nangangahulugan na bumaba rin ang presyo ng bilihin.

Aniya bagamat natutuwa sila dahil bahagyang babagal ang pagtaas ng presyo ng bilihin ay dapat hindi ito gamitin na paraan ng Pamahalaan para maging kampante.

Ang tanging dahilan lamang naman talaga aniya sa pagbaba ng inflation ay dahil sa bahagyang paghina ng Dolyar laban sa piso maging pagbaba sa presyo ng imported na langis.

--Ads--

Sa katunayan aniya batay sa isang survey o pag-aaral mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP naitala na ang higit isang milyong Pilipino ang wala ng kita o walang saving dahilan upang hindi na nila maramdaman ang anumang positibong epekto ng mababang inflation.

Gaya ng dati nakatutok parin ang Ibon Foundation sa pagsusulong ng umento o dagdag sahod sa 16 mula sa 17 Rehiyon sa Bansa.