--Ads--

CAUAYAN CITY – Inihayag ng Comelec Region 2 na wala pa sa kalahati ang mga kandidato na nagfile ng kanilang Certificate of Candidacy o COC para sa 2025 midterm election.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Jerbee Cortez, Assistant Regional Director ng Comelec Region 2 sinabi niya na mula kagabi ay nasa siyam pa lamang ang aspirant candidate na nagfile ng COC para sa House of Representatives, apat na governor, dalawang vice governor, 17 na board member, 33 na mayor, 34 na vice mayor at 282 na councilor.

Sa lalawigan ng Quirino, mula kahapon ay dalawang councilor pa lamang ang nagfile ng COC habang sa Batanes ay may anim nang nagfile para sa pagka-vice mayor at isang mayor.

Ayon kay Atty. Cortez, inasahan na nila ito dahil maraming pulitiko ang naniniwala sa mga pamahiin lalo na ng mga chinese at sa Oct. 8 pa sila magfa-file ng COC sa Comelec dahil itinuturing itong maswerteng araw.

--Ads--

Ilang Comelec Offices naman sa Batanes ang apektado sa pananalasa ng bagyong Julian at sinusuri pa ang kanilang computers bagamat hindi apektado ang COC filing ng mga kandidato.

Maging ang mga bahay ng mga empleyado ay hindi rin nakaligtas sa hagupit ng bagyo ngunit nagpatuloy naman ang operasyon ng mga tanggapan.