CAUAYAN CITY – Umabot na sa dalawampu’t tatlo ang bilang ng krimen na naitala sa bayan ng Quezon, Isabela sa ikatlong quarter ng taong 2024.
Labing isa mula rito ang naitala noong buwan ng Hulyo, apat sa Agosto, Pito sa Setyembre at isa ngayong buwan ng Oktubre.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Clarence Labasan, Chief of Police ng Quezon Police Station, sinabi niya na karamihan sa mga ito ay vehicular accidents dahil na rin sa lawak ng stretch ng national highway na nasasakupan ng kanilang bayan.
Nakikipagpulong naman umano sila sa mga mamamayan pangunahin na sa mga motorsita upang sila’y paalalahanan kaugnay sa mga batas trapiko na dapat sundin para sa kapayapaan ng mga kakalsadahan.
Nag-request na rin sila ng streetlights sa Local Government Unit ng Quezon para maging maliwanag ang daan tuwing gabi at para maiwasan na rin ang aksidente.
Aniya, pinapanatili nila ang kanilang presensya sa kanilang nasasakupan para mag-alangan ang mga masasamang loob na gumawa ng hindi maganda.
Mahigpit naman nilang tinutukan sa ngayon ang filing ng Certificate of Candidacy para masiguro na maging mapayapa pagdaraos nito.